Wednesday, October 14, 2015

Poem (Filipino)

Doon
By Bittersweet Soulseeker

Halika kaibigan at tayo’y maglalakbay
Sa mundo kung saan lahat ay kaalinsabay
Sa lugar na masaya, payapa at makulay
Ang pook na siguradong ligtas ang ‘yong buhay.

Kaya’t pahirin na mga luhang pumapatak
Naidulot sa’yo ng pait, dusa at sindak
Mga pighati mo at pasakit nitong buhay
Ay ating iiwan sa ating paglalakbay.

Kaya’t halika damhin mo ang lamig ng hangin
Na sa ating paglipad ay ating yayakapin.
Mataas na kalangitan ay ating hahagkan
Mga problema ay pilit nating tatalikdan.

Ngunit sa’yong pagtakbo, giliw na kaibigan
Kung ikaw ay madapa ay huwag kalilimutan
Bumangon muli  at nang hindi ka maabutan
Ng mga paghihirap na nais talikuran.

Buksan ang ‘yung puso at nang iyong matunghayan
Ang isang mundong ninanais mong masilayan
Kasama na ang pag-ibig at kaliwanagan
Upang mga pagsubok ay iyong makayanan.

No comments:

Post a Comment